Followers

Saturday, August 14, 2010

PAG-IBIG.

Kapag natagpuan mo ang iyong sariling umiibig sa isang taong hindi ka mahal, huwag kang magdamdam, walang mali sa’yo. Pinili lamang ng pag-ibig na huwag manahan sa kanyang puso.

Kapag nalaman mong may nagmamahal sa’yo ngunit hindi mo naman mahal, magalak at maging panatag na kumatok ang pag-ibig sa iyong pintuan. Ngunit marahang hindian ang isang handog na hindi mo kayang suklian.


Kapag ikaw ay umibig at siya’y nahulog sa’yo, ngunit pinili ng pag-ibig na magpaalam, huwag mong subukang habulin, hanapin, o gawing manisi. Hayaan mo na ito. Mayroong sagot at mayroong kahulugan. Iyon malalaman mo balang araw.

Tandaan mong hindi mo pinipili ang pag-ibig. Pinipili ka nito. Ang tanging magagawa mo lamang ay ang tanggapin ito at ang kanyang kahiwagaan kapag dumating na sa iyong buhay. Ramdamin ang pagbuhos nito hanggang sa ito’y umapaw. Pagkatapos ay mag-abot, maglaan, at magbigay.
Ibalik ito sa taong bumuhay nito sa’yo. Ibigay ito sa mistulang nanghihinang mga kaluluwa. Ipamahagi ito sa mundong pumapalibot sa iyo sa kahit anong paraang mayroon ka.

Sa bahaging ito, maraming mangingibig ang nagkakamali. Sa mahabang panahong nawalan ng minamahal, iniisip nilang ang pag-ibig ay isang pangangailangan-tinuturing ang kanilang mga puso bilang sisidlang kailangang punan at punuin ng pagmamahal. At sa gayo’y sisimulan nilang tignan ang pag-ibig bilang tubig na kailangang dumaloy papasok at patungo sa kanilang katauhan imbis na mula sa kanilang kaluluwa, palabas.

Tandaaan mo ito at itanim sa iyong puso. May sariling oras ang pag-ibig, may sariling panahon, at may rason sa kanyang pagdating at paglisan. Hindi mo ito maaring pilitin, suhulan, o sumbatan upang manatili. Maari mo lamang itong yakapin kapag ito’y dumating, at ibahagi kapag nanahan na sa iyo.

Ngunit kapag pinili nitong lisanin ang iyong puso at ang puso ng iyong mahal, wala kang gagawin at wala kang dapat gawin.


Ang pag-ibig ay isang hiwaga at mananatiling isang kahiwagaan. Magalak kang nagkaroon ng pagkakataong umibig sa isang sandali ng iyong buhay.

Kapag nanatiling bukas ang iyong puso, maaring ito’y magbabalik. Ang pagkabigo ay ang tanging pagkakataon upang magsimulang muli nang may kagalingan. Ang pagkagusto at pagkahalina ay maaring magpatuloy sa pag-ibig. Minsan, ito’y nagtutuloy sa pagpapakasal, ngunit maaring hindi pa rin magtuloy sa pag-ibig.

Ang pag-ibig ay hindi bulag… ito’y nag-iisip…



(i've seen this blog at friendster site & I really like it.)

No comments:

Post a Comment