Followers

Friday, August 27, 2010

BALAGTASAN

Eto yung copy ng balagtasan na ginawa namin nong highschool pa lang kami, ako yung N or yung "NO", sana magustuhan niyo. :-)


"Kailangan ba magtaas ng matrikula o hindi?"

A: Dapat!
N: Hindi!

A:                    Ako ay pumapanig sa kagustuhan ng eskwelahan
                        Na ang pagtaas ng matrikula ay kinakailangan
                        Problema sa edukasyon ang dapat tugunan
                        Tanging sa pagtataas ng matrikula ito matutugunan
           
                        mga dahilan ay aking ipahihiwatig
                        Ang pagtataas ay makabubuti sa atin
                        bilang estudyante alam ko ang mga kailangan           
                        Sa pagtataas lang ng matrikula natin ito makakamtan

                        Kailangan ng pondo para matugunan ang mga kailangan
                        Gusto ba natin ng mga sira-sirang kagamitan?
Alam kong gusto natin ng magagaling ng guro, mga inglesero at mga inglesera
                        Papayag ba tayo na sila’y mga walang kwenta?

N:                    naririto ako upang ipahayag ang aming pagsusumamo
                        Na mapigilan ang pagtataas ng matrikula ay matamo
                        Nagsisitaasan na nga ang mga produktong krudo
                        Pati pa ba naman sila ay makikiuso?! Pauso!

                        Tayong mga kabataan ang pag-asa ng bayan
                        Paano na kung tayo’y di makapasok sa eskwelahan?
                        Marami ng estudyante ang tumitigil at naglilipatan
                        Sa taas ng matrikula, edukasyon, hindi na kayang tugunan

                        Walang magiging guro kung walang estudyante
                        Walang guro ngayon na di nagsumikap dati
                        Kung hidi na naming kaya ang tumataas na matrikula
                        Ang susunod na henerasyon, paano na kaya?

A:                    ang mga produkto lang ba ang maaring magtaas?!
may karapatan din naman ang mga eskwelahan!
ano bang magagawa mo kung sila'y magtaas
bakit 'di mo na lang sabihin kay gloria na ang VAT ay bawasan!

Minsan lang naman sila magtaas
Hayaan niyo ng gawin ang kanilang kagustuhan
Para naman ito sa atin
Sa ating kinabukasan na kailanagan din paghandaan

Importante na tayong mga estudyante ay makapagaral
Ngunit ano ang ating pag-aaralan kung kakaunti naman ang kagamitan
Sayang lang ang ating pagpasok sa isang eskwelang walang kwenta
Kaya kailangan magtaas upang tayo rin ay matulungan

N:                    Sige! magtaas lang ng magtaas!
Ng wala ng pambayad ang nasa mabababang antas!
Mga estudyanteng hindi na makapasok,
Sa kamangmangan ay nagtatago na lang sa sulok!

Gaano kadalas ang minsan?!
Sila ba'y hindi pa nahihimasmasan?!
Pagtaas ng bilihin ay hindi na maiwasan,
Kasabay pa ba ang paglabo ng ating kinabukasan?!

Ako'y naniniwala sa pagubra ng sipag at tyaga
Dahil ang taong may tyaga ay may nilaga!
Nilagang maihahain sa hapagkainan
Na matatamo pag murang edukasyon ay napagbigyan!

A:                    Sige! Lipat sa mga walang kwentang eskwelahan
Tignan lang natin kung sinong mahihirapan!
Kayo din ang magsisisi sa hinaharap
Edukasyon niyo din ang mapapahamak!

Hindi naman maiiwasan ang pagtaas ng matrikula
Tulad nga ng sabi ko may karapatan din naman silang magtaas
Wala ng bagay ngayon ang madaling makamtan
Kung gusto ninyo mag-aral kayo ay gumawa ng paraan

Kayo ang pumili sa magandang eskwelahan
Huwag kayong magreklamo kung gusto nilang magtaasan
Sabi mo nga sipag lang at tiyaga
Kaya magtiyaga kang maghanap ng ipangtutustos sa iyong matrikula!

N:                    Nasisira na ba ang iyong ulo?!
                        Estudyante lang naman ako
                        Palagay mo kanino ako hihingi ng saklolo
                        Kundi sa magulang kong nagkakakuba kakatrabaho!

                        Hindi ako papayag na ako’y mapagramutan
                        Edukasyon na taning pinapaginipan
                        Tugonnga ng aking ina
                        “edukaysyon lang kanilang mapapamana”

                        Wala sa Eskwelahan yan!
                        Sapagkat nasa bata ang kakayahan
                        Kaya kahit saan ka
                        Kaya mong manguna!

A:                    Mas sira ulo mo!
                        Maraming paraan para matulungan ang iyong mga pagsusumamo!
                        Hindi lang naman ang mga magulang mo ang tutulong sa iyo
                        Sarili mo mismo ang tutugon sa iyong mga reklamo

                        Wala naman pumipigil sa iyong pag-aaral
                        Hindi nila pinagkakakait ang karapatan mong makapag-aral
                        Ginagawa nga nila ang lahat para ika’y matulungan
                        Tas may gana ka pang magreklamo sa kanilang kabutihan!

                        Kawawa ka naman!
                        Wala na atang pag-asa na lumago ang iyong kaalaman
                        Paano mo ba mapapalago ang iyong kakayahan
                        Kung wala nga naman kagamitan ang eskwelahan

N:                    Ako?! Ako pa ngayon ang nagging kawawa?!
                        Ako na nga ngyon ang nagpapahalaga sa aking kapwa
                        Pasalamat ka at nagkaroon ng isang tulad ko
                        Nang pera ay sapat para sa pamilyo mo!

                        Tinutulungan ako ng aking paaralan?
                        O tinutulungan para malubog sa kautangan?
                        Kung gusto nila akong tulungan
                        Pagtaas ng matrikula ay hindi na kinakailangan!

                        Hindi lahat ng mga pampubliko’y kawawa
                        Na tulad ng iyong inaakala
                        Kami din ay mayroong kakayahan
                        Bawat pagsubok ay kayang lampas an

A:                    Gumising ka nga!
                        Buksan mo ang iyong mga mata!
                        At mamuhay ka sa realidad
Dahil ang mga nagtatagumpay ay galing sa eskwelahang matataas ang kalidad

Ano ba ang tinatanggap ng mga kumpanya?
Hindi ba’t mga galing sa magagaling na paaralan?
Sila ang pinaprayorita ng mga higanting kumpanya
Dahil alam nila kung ano ang kaya ng magagaling na eskwelahan

Bakit ka pa pipili ng walang kwentang eskwelahan
Kung nandiyan naman ang magagaling na paaralan
Sigurado na ang iyong kabuhayan
Kaya tiyak na ang iyong kinabukasan!

N:                    Masyado mo atang minamaliit ang nasa pampubliko,
                        Lamang lang ang pribado ng ilang paligo!
                        Mga nasa pampubliko ay mas determinado
                        Upang kanilang buhay ay umasenso
                       
                        Ito ba’y popularity contest?!
                        The rich will be the highest?
                        Mukha atang sila’y binabale wala
                        Na ang nakapagtapos sa pampuliko ay walang halaga.

                        Hindi dapat sila maliitin
                        Dahil sila ay may kakayahan din
                        Magagaling sila kung tutuusin
                        Kaya dapat sila’y tingalain

A:                    Hay…Tama na nga itong pagtatalo!
                        Wala naman nangyayari sa ating mga reklamo
                        Hindi tayo dapat ang nagtatalo
                        Dahil parehas lang tayong estudyante sa paaralang ito

N:                    wala talagang patutunguhan itong ating diskwusyon
                        Dahil magkaiba talaga tayo ng panig at kumbiksyon
                        Ano nga bang magagawa ng balagtasang ito?
                        Kung sila pa rin ang magdedesisyon sa dulo

A:                    Sana narinig nila ang panig nating dalawa
                        Upang makapagdesisyon sila ng tama
                        Tandaan ang edukasyon ang ating pinaguusapan
                        Kaya’t mag-isip mabuti dahil nakasalalay an gating kinabukasan

N:                    Tama! Kaya ang mabuti pa’y tayo ay magsumikap
                        Upang hindi danasin ang paghihirap
                        Kaya tandaan niyo mga kabataan
A and N:         TAYO ANG PAG-ASA NG ATING BAYAN!!!


Nanalo kami niyan sa Balagtasan ng ka-partner ko. :-)

No comments:

Post a Comment