"Kailangan ba magtaas ng matrikula o hindi?"
A: Dapat!
N: Hindi!
A: Ako ay pumapanig sa kagustuhan ng eskwelahan
Na ang pagtaas ng matrikula ay kinakailangan
Problema sa edukasyon ang dapat tugunan
Tanging sa pagtataas ng matrikula ito matutugunan
mga dahilan ay aking ipahihiwatig
Ang pagtataas ay makabubuti sa atin
bilang estudyante alam ko ang mga kailangan
Sa pagtataas lang ng matrikula natin ito makakamtan
Kailangan ng pondo para matugunan ang mga kailangan
Gusto ba natin ng mga sira-sirang kagamitan?
Alam kong gusto natin ng magagaling ng guro, mga inglesero at mga inglesera
Papayag ba tayo na sila’y mga walang kwenta?
N: naririto ako upang ipahayag ang aming pagsusumamo
Na mapigilan ang pagtataas ng matrikula ay matamo
Nagsisitaasan na nga ang mga produktong krudo
Pati pa ba naman sila ay makikiuso?! Pauso!
Tayong mga kabataan ang pag-asa ng bayan
Paano na kung tayo’y di makapasok sa eskwelahan?
Marami ng estudyante ang tumitigil at naglilipatan
Sa taas ng matrikula, edukasyon, hindi na kayang tugunan
Walang magiging guro kung walang estudyante
Walang guro ngayon na di nagsumikap dati
Kung hidi na naming kaya ang tumataas na matrikula
Ang susunod na henerasyon, paano na kaya?
A: ang mga produkto lang ba ang maaring magtaas?!
may karapatan din naman ang mga eskwelahan!
ano bang magagawa mo kung sila'y magtaas
bakit 'di mo na lang sabihin kay gloria na ang VAT ay bawasan!
Minsan lang naman sila magtaas
Hayaan niyo ng gawin ang kanilang kagustuhan
Para naman ito sa atin
Sa ating kinabukasan na kailanagan din paghandaan
Importante na tayong mga estudyante ay makapagaral
Ngunit ano ang ating pag-aaralan kung kakaunti naman ang kagamitan
Sayang lang ang ating pagpasok sa isang eskwelang walang kwenta
Kaya kailangan magtaas upang tayo rin ay matulungan
N: Sige! magtaas lang ng magtaas!
Ng wala ng pambayad ang nasa mabababang antas!
Mga estudyanteng hindi na makapasok,
Sa kamangmangan ay nagtatago na lang sa sulok!
Gaano kadalas ang minsan?!
Sila ba'y hindi pa nahihimasmasan?!
Pagtaas ng bilihin ay hindi na maiwasan,
Kasabay pa ba ang paglabo ng ating kinabukasan?!
Ako'y naniniwala sa pagubra ng sipag at tyaga
Dahil ang taong may tyaga ay may nilaga!
Nilagang maihahain sa hapagkainan
Na matatamo pag murang edukasyon ay napagbigyan!
A: Sige! Lipat sa mga walang kwentang eskwelahan
Tignan lang natin kung sinong mahihirapan!
Kayo din ang magsisisi sa hinaharap
Edukasyon niyo din ang mapapahamak!
Hindi naman maiiwasan ang pagtaas ng matrikula
Tulad nga ng sabi ko may karapatan din naman silang magtaas
Wala ng bagay ngayon ang madaling makamtan
Kung gusto ninyo mag-aral kayo ay gumawa ng paraan
Kayo ang pumili sa magandang eskwelahan
Huwag kayong magreklamo kung gusto nilang magtaasan
Sabi mo nga sipag lang at tiyaga
Kaya magtiyaga kang maghanap ng ipangtutustos sa iyong matrikula!
N: Nasisira na ba ang iyong ulo?!
Estudyante lang naman ako
Palagay mo kanino ako hihingi ng saklolo
Kundi sa magulang kong nagkakakuba kakatrabaho!
Hindi ako papayag na ako’y mapagramutan
Edukasyon na taning pinapaginipan
Tugonnga ng aking ina
“edukaysyon lang kanilang mapapamana”
Wala sa Eskwelahan yan!
Sapagkat nasa bata ang kakayahan
Kaya kahit saan ka
Kaya mong manguna!
A: Mas sira ulo mo!
Maraming paraan para matulungan ang iyong mga pagsusumamo!
Hindi lang naman ang mga magulang mo ang tutulong sa iyo
Sarili mo mismo ang tutugon sa iyong mga reklamo
Wala naman pumipigil sa iyong pag-aaral
Hindi nila pinagkakakait ang karapatan mong makapag-aral
Ginagawa nga nila ang lahat para ika’y matulungan
Tas may gana ka pang magreklamo sa kanilang kabutihan!
Kawawa ka naman!
Wala na atang pag-asa na lumago ang iyong kaalaman
Paano mo ba mapapalago ang iyong kakayahan
Kung wala nga naman kagamitan ang eskwelahan
N: Ako?! Ako pa ngayon ang nagging kawawa?!
Ako na nga ngyon ang nagpapahalaga sa aking kapwa
Pasalamat ka at nagkaroon ng isang tulad ko
Nang pera ay sapat para sa pamilyo mo!
Tinutulungan ako ng aking paaralan?
O tinutulungan para malubog sa kautangan?
Kung gusto nila akong tulungan
Pagtaas ng matrikula ay hindi na kinakailangan!
Hindi lahat ng mga pampubliko’y kawawa
Na tulad ng iyong inaakala
Kami din ay mayroong kakayahan
Bawat pagsubok ay kayang lampas an
A: Gumising ka nga!
Buksan mo ang iyong mga mata!
At mamuhay ka sa realidad
Dahil ang mga nagtatagumpay ay galing sa eskwelahang matataas ang kalidad
Ano ba ang tinatanggap ng mga kumpanya?
Hindi ba’t mga galing sa magagaling na paaralan?
Sila ang pinaprayorita ng mga higanting kumpanya
Dahil alam nila kung ano ang kaya ng magagaling na eskwelahan
Bakit ka pa pipili ng walang kwentang eskwelahan
Kung nandiyan naman ang magagaling na paaralan
Sigurado na ang iyong kabuhayan
Kaya tiyak na ang iyong kinabukasan!
N: Masyado mo atang minamaliit ang nasa pampubliko,
Lamang lang ang pribado ng ilang paligo!
Mga nasa pampubliko ay mas determinado
Upang kanilang buhay ay umasenso
Ito ba’y popularity contest?!
The rich will be the highest?
Mukha atang sila’y binabale wala
Na ang nakapagtapos sa pampuliko ay walang halaga.
Hindi dapat sila maliitin
Dahil sila ay may kakayahan din
Magagaling sila kung tutuusin
Kaya dapat sila’y tingalain
A: Hay…Tama na nga itong pagtatalo!
Wala naman nangyayari sa ating mga reklamo
Hindi tayo dapat ang nagtatalo
Dahil parehas lang tayong estudyante sa paaralang ito
N: wala talagang patutunguhan itong ating diskwusyon
Dahil magkaiba talaga tayo ng panig at kumbiksyon
Ano nga bang magagawa ng balagtasang ito?
Kung sila pa rin ang magdedesisyon sa dulo
A: Sana narinig nila ang panig nating dalawa
Upang makapagdesisyon sila ng tama
Tandaan ang edukasyon ang ating pinaguusapan
Kaya’t mag-isip mabuti dahil nakasalalay an gating kinabukasan
N: Tama! Kaya ang mabuti pa’y tayo ay magsumikap
Upang hindi danasin ang paghihirap
Kaya tandaan niyo mga kabataan
A and N: TAYO ANG PAG-ASA NG ATING BAYAN!!!
Nanalo kami niyan sa Balagtasan ng ka-partner ko. :-)